Posts

Showing posts from January, 2016

Huling Yakap (One Last Hug)

Image
HULING YAKAP
Unang araw ng taon. January 1, 2016. Byaheng Norte ako, kasama ng pamilya ko. Sakay ng Victory Liner bus patungong Pangasinan. Muli, dadalawin ka namin.

Tandang tanda ko pa nung bata pa ako na sa tuwing isasama ako ng aking ama o kaya ng aking mga tita at tito, excited ako na makarating agad dahil alam ko na may naghihintay sa akin na lola. Kwento mo pa nga sa akin na binibilang mo ang mga bus na dumadaan at sa tuwing may hihinto sa tapat ng bahay nyo, ikaw ay umaasa na kami na ang taong hinihintay mo. Mula umaga hanggang gabi, ikaw ay naghihintay sa aming pagdating. At kapag dumating kami, sinasalubong mo kami ng iyong mainit na yakap at halik. Natatandaan ko pa na sa tuwing kakalungin mo ako, susuklayan mo ang aking magulong buhok at ibubulong sa aking mga tenga kung gaano mo ako kamahal, kami ng mga apo mo. Gustong gusto ko ang pakiramdam na yun. Parang ako na ang pinakaswerteng apo.  Dahil ramdam na ramdam ko ang init na iyong pagmamahal na sa kahit sa musmos kong edad ay aking …